Wednesday, April 14, 2010

pagod..


lakad ako ng lakad pero parang wala naman akong patutunguhan, nakakaramdam ako ng pagod pero bakit di ako tumitigil? san ba talaga ako patungo? kung sino sino na ang nakakasalamuha ko pero parang wala naman matino? may mga hinahanap ako pero bakit parang di ko naman matagpuan? Minsan gusto ko na rin sumuko pero di ko alam kung paano, habang lalu kong sinasabi "ayaw ko na" lalu naman akong lumalaban nag papatuloy sa mga nasimulan..Hanggang kailan ba talaga ako ganito? hanggang saan ba talaga ang kaya ko? Isa lang ngayon ang gusto ko..makasama ang isang tao na di ko pa nakilala sa buong buhay ko, yung taong handang makinig sa mga sasabihin ko...yung taong handang ibigay ang balikat para iyakan ko..o kaya naman isang tao na kahit kelan di ako iiwan, Pasensya na sa mga kagagahan ko...wala lang ako ng magawa kaya ganito ako..napapagod pero ngumingiti pa rin kahit pano kahit minsan kasabay nito patak ng luha mula sa mga mata ko...






No comments:

Post a Comment